06:30 pm, Friday 09 Sep 2016

Ang Tata Motors ay naglulunsad ng TATA SUPERACE mini-trak sa Vietnam

Susing Paksa:

  • Naglulunsad ng kauna-unang pangkomersyal na behikulo sa pamamagitan ng pakipagkasosyo ng TMT Motors sa Vietnam -Tata SuperAce mini-trak
  • Ang Tata Motors ay nagsimula na ng lokal na pagtipontipon kasama ang kasosyong TMT Motors sa Vietnam

press-09sep16Kasunod sa pag-anunsyo ng Tata Motors ng kanyang pandarambong sa Vietnam noong nakaraang taon, ang kompanya kasabay ang kanyang lokal na kasosyo na TMT Motors sa Vietnam, sa araw na ito ay nag-anunsyo sa paglulunsad ng kanyang unang produkto sa bansa – ang Tata SuperAce, isang maraming magagawang mini-trak.

Isang makabagong solusyon ng paghahatid ng kargamento, ang Tata SuperAce mini-trak ay nag-aalok ng maraming magagawa, kaligtasan at kaginhawaan. Inihinyero upang gumawa ng lahat na gawain ng isang maliit na pik-ap trak. Ang Tata SuperAce ay may naka-ura na kargadang 1 tonelada, sa pangangailangan ng kapwa loob at labas na transportasyon ng lungsod, para sa mga kargadang tulad ng semento, mga bagay pangkonstruksyon, mga pagkaing butil, mga gulay, mga prutas, FMCG at paghahatid ng mapuputing mga kalakal. Bilang nag-iisang pinalakas ng de-krudong mini-trak ng kanyang pangkat, ang Tata SuperAce ay nag-alok din ng pinalakas ng petrolyo na makina, para sa higit na mataas na pagtitipid ng gatong at mataas na bilis na hanggang 130 kmph.

Ang Tata SuperAce ay kasalukuyang makukuha sa kabila ng 7 bentahan na lugar sa Hilagang Vietnam at sa madaling panahon ay makukuha na rin sa kabila ng bansa.

Si G. Ravindra Pisharody, Ehekutibong Direktor (Pangkomersyal na mga Behikulo), ng Tata Motors nagsabi, “Nang opisyal na inaanunsyo ang aming pagpasok sa Vietnam noong nakaraang taon, kami rito sa Tata Motors ay masayang mag-aanunsyo sa paglulunsad ng aming pinaka-unang produkto, ang Tata SuperAce mini-trak dito sa bansa sa araw na ito. Nakabenta ng sobra 1.5 milyong mini-trak sa plataporma ng Ace sa buong mundo, ang Tata SuperAce ay ibinuo hango sa Tata Motors na malalim na pag-iintindi  sa mga mamimili ng CV, para sa malawak na saklaw ng mga aplikasyon.Sa pamamagitan ng aming pakipagkasosyo sa TMT Motors, kami ay nakatuon sa paglikha ng industriya ng mga pangkomersyal na mga behikulo rito at kami ay determinado na magkaroon ng pangmatagalang kaugnayan sa mga mamimili, na may pataasang kalamangan  sa negosyo at ng tinitiwalaang mga kredensyal sa tatak ng Tata Motors.”

Si G. Rudrarup Maitra, Pinuno, Pangkomersyal na mga Behikulo, Internasyonal na Negosyo, Tata Motors. nagsabi, “Nang kami ay nagpasiyang pumasok sa Vietnam, kami saTata Motors ay hinihimuk ng positibo, sigasig at sa pagiging pagkanegosyante ng mga tao sa Vietnam. Bilang isa sa mga pinakamabilis na tumutubong mga ekonomiya sa Timog Silangang Asya, ito ay nagpakilala sa amin ng malaking oportunidad, na hindi lamang paglingkuran ang kinabukasan ng pamilihang ito, kung hindi ay maging kasosyo sa bansang ito sa ganoong paglakbay. Kasama ang SuperAce, kami ay ganap na nakaposisyon upang gagatungan ang potensyal na pagtubo, hihimukin ang mga mamimili sa unang pagkakataon ng pangkomersyal na mga behikulo na pumasok at matagumpay na makipagpaligsahan sa espasyo ng transportasyon.”

Si G. Bui Van Huu, Tagapangulo, TMT Motors nagsabi, Ang Tata SuperAce ay isang totoong kasama sa isang negosyanteng Vietnamese sa bawat diwa at importanteng milyahe ngTMT Motors sa pagsisikap na papalitan ang tanawin ng pangkomersyal na mga behikulo sa Vietnam. Ang Tata SuperAce ay tumutulong sa atin na batiin ang mas malaking base ng pangkomersyal na mga behikulo, magbibigay ng solusyon sa mga mamimili para sa kanilang kailangan sa transportasyon.”

ANG PAGGANAP NG TATA SUPERACE

Sa pinakamabuting-klaseng kombinasyon ng lakas, bilis at episensya ng gatong, ang TATA SUPERACE ay sinangkapan ng paunang teknikal na 4 na Gulong 1405 cc Makinang de-krudo na magbibigay ng 70 Hp @ 4500 rpm na lakas, habang ang1396 cc Makinang de-Petrolyo na magbibigay ng 85 Hp @ 5500 – 6000 rpm ng superyor na lakas. Ang magaan na aluminyong makina at magarang kinakalibreyt na 5-speed gearbox ay padaliin ang makinis na pagmaneho at para sa mataas na klaseng nangungunang episensya ng gatong na 17.9 kmpl para sa de-krudo at 10.2 kmpl para sa makinang de-petrolyo (sa ilalim ng mga kondisyong pagsusuri). Malalaking mga preno na may 7-pulgadang brake booster na may lambal na LCRV (Load Conscious Regulating Valve) nagsisiguro ng walang dugtong na pagpreno at matataas na buhay ng behikulo. Ang malakas at kulubut na front strut type independent at rear leaf-spring na mga suspensyon, sinamahan ng haydrolik na dobleng kilos na telescopic suspensyon ay lumikha ng Tata SuperAce na isang perpektong behikulo para sa iba’t-ibang kargada at mga kondisyon ng lansangan. Pinakamabuting-klaseng bilis na hanggang sa 130 kmph (para sa petrolyo) nagsisiguro ng mas maraming biyahe dahil sa mababang panahon ng pagbalik. Kasalukuyan makukuha sa isang pagpantay para sa bawat isang pagpipilian ng gatong, na kung saan ay mayroong aircon, power steering, power windows at kulay katawan na bumper – ang Tata SuperAce Diesel DLE at Tata SuperAce Petrol GLE.

DISENYO NG TATA SUPERACE

Estetikong denisinyo sa loob-bahay, ang TATA SUPERACE ay nasa maginhawang kamarote na komportableng nakalagay sa may konsol ng tsuper, glove-box na may seradura, probisyon para sa sistema ng musika, pasilidad para sa pag-charge ng mobile, dihital na orasan at punong-puno ng telang mga upuan. Sa labas, ma-estilong katawan makulay na bumper, bagong pangharang ng gulong na nakaarko sa may harapan, malapad na anggulong ORVM sa kapwa gilid na nagdagdag sa pagpatingkad tuloy sa itsura ng behikulo.  Ang behikulo ay nag-aalok din ng angkop na tamang sukat ng palapag kargahan para sa operasyong kargada sa pamilihan at naka-ura na kargadang 1 tonelada na may bagong pinatibay na kargahang katawan. Ang TATA SUPERACE ay may maliit na pag-iikot na circle radius na 5.1m at naging pinaka-angkop para sa mga paghahatid  sa maliliit na lansangan at mga daan. Ang  2.6m ang haba ng cargo load deck ay angkop sa iba’t-ibang mga aplikasyon. Ang 14-na-pulgadang sukat ng mga gulong ng behikulo, mataas na agwat sa lupa (ground clearance) na 160mm at gradeability na 39% (para sa de-krudo), ay nagsisigurong ito ay matatag sa iba’t-ibang uri ng kargada at nga kondisyon ng lansangan.

ANG SERBISYO NG TATA SUPERACE

Ang serbisyo at pagpapanatili sa katangian ng behikulong SuperAce, ay gumagarantiya ng kapayapaan sa kaisipan para sa kanyang mga mamimili. May higit sa 9 na serbisyong touch points sa Hilagang Vietnam, ang awtorisadong kasosyo ng Tata Motors, ang TMT Motors ay nag-alok ng pinakamabuting-klaseng pagmamay-aring karanasan. Ang behikulo ay mayroon din siguradong garantiya ng 3 taon / 100,000km (kung alin ang mas una).

TUNGKOL SA TATA ACE

Ang pamilya ng Tata Ace ay nagtagumpay sa higit 1.5 milyong kinita mula 2005 sa buong mundo. Sa paghahatid ng superyor at mas ligtas na karanasan sa pagmamaneho, at ang pagkakataon na madadagdagan ang kinikita, ang pamilyang ACE ay hindi lamang nakakuha ng mga inaasahan sa libo-libong may-ari/mga opereytor sa kabila ng bansa, sa katunayan, nalampasan nila na lumikha ng bagong tularan sa pagkilos ng kargamento. Ang behikulo ay estratehikong denisinyo upang lumikha ng lahat na gawain, maging ito ay ang araw-araw na opereytor na tagakarga sa pamilihan na gustong tumubo bilang negosyante at palakihin ang kanyang kinikita o ang mga tagatinda ng tingi at mga maliliit na mga negosyante na negosyong kailangan na maghatid ng siksikan na mga kargada sa kanilang mga dulong mamimili nang maginhawa.

Ang TATA SUPERACE ay makukuha sa Indonesya, Pilipinas, Thailand, Timog Afrika, Sri Lanka, Banglades, Ghana, India at ngayon sa Vietnam.

Ang plataporma ng behikulong Ace ay nakalikha na ng halos 12 pag-aalok hango sa tipo ng makina, lakas ng makina at mga kompigyurasyon ng katawan. Ang pamilya ng Ace sa araw na ito ay nagsaklaw sa Ace HT, Ace EX, Ace CNG, Ace High Deck, Ace DICOR NA, Ace DICOR turbo, Ace Zip, at ang pinakahuling dinagdag sa porma na SuperAce at SuperAce Mint.

Sa gilid ng pampasaherong transportasyon, ang plataporma ng Ace ay nagtuklas ng Magic HT, Magic CNG, Magic Iris at ang Magic Iris CNG.

Tungkol sa Tata Motors:

Ang Tata Motors Limited ay ang pinakamalaking kompanya ng kotse sa India, na may pinagtibay na kita na INR 2,75,561 crores (USD 41.6 na bilyon) noong 2015-16. Sa pamamagitan ng mga sangay at kasosyong mga kompanya, ang Tata Motors ay nagpapatakbo rin ng negosyo sa UK, Timog Korea, Thailand, Timog Aprika at Indonesya. Kasali doon ang Jaguar Land Rover, ang negosyo ay saklaw ng dalawang imaheng tatak na Briton. Mayroon din industriyal na kasosyong negosyo kasama ang Fiat ng India. Mayroong higit sa 9 na milyong mga behikulo ng Tata na nagbibyahe sa India. Ang Tata Motors ay ang nangungunang pamilihan ng bansa sa mga behikulong pangkomersyal at gayunman ang pinakamataas sa mga behikulong pampasahero. Ang mga sasakyang Tata, mga bus at mga trak ay binebenta sa maraming bansa ng Europa, Aprika, ang Gitnang Silangan, Timog Asya, Timog Silangang Asya, Timog Amerika, Australya, CIS at Rusya.

Tata Motors Social

Filter content as show all YouTube Facebook Twitter
WordPress › Error

There has been a critical error on this website.

Learn more about troubleshooting WordPress.