SHARE

May 21

Commercial Vehicle

Mga Kadahilanan sa Pagsaalang-alang Kapag Bumili ng Food Trak

Ang mga food trak ay kilala sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at kilala rin ito na nagbibigay ng kakaiba at orihinal na lasa pati na rin sa pagbigay ng mga lokal na mga negosyante na magtayo ng ganitong klase ng negosyo. Kapag magset-up ng sariling negosyo na pagkain, ang mga sumusunod ay mga bahagi na dapat isaalang-alang kung bibili ng isang food trak.

Mga Kasangkapan at Kagamitan – Sa pagsisimula ng sariling negosyong pagkain ito ay nangangailangan ng maayos at kaaya-ayang mga kagamitan sa iyong magsisilbing kusina, para masigurado na ikaw ay karapat-dapat sa lahat, sa paghanda ng pagkain na propesyonal at kakaiba pati na rin sa pagtugon sa dami ng pangangalingan. Ito ay naka-depende sa kung anong klaseng pagkain ang iyong ibebenta sa iyong food trak, ikaw ay kinakailangan na gumawa ng detalyadong mga listahan sa mga kasangkapan na maari mong gamitin sa iyong negosyo sa pagsisimula nito.

Isipin Ang Laki ng iyong Trak – Tantyahin ng mabuti kung ilan ang mga mamimili na maaring bumili sa iyong negosyo sa isang araw. Ito ay makapagbibigay sa iyo ng ideya kung ilan ang mga materyales na kakailanganin sa iyong food trak, sa gayon ito ay makapagbibigay din sa iyo ng ideya kung gaano kalaki ang iyong kinakailangan na trak. Sa mga maliliit na trak ito ay karaniwang nangangailangan ng sapat na kuryente para mabigay ang iba’t ibang pangangailangan ng mamimili sa isang araw.

Tandaan na Isaalang-alang ang Impresyon – Sa pag-alam kung saang lugar ka magtatayo ng iyong food trak, ay siyang susi upang malaman ang estado ng iyong negosyo. Ang lasa at gaano karami ang mamimili ay magkaiba sa pagitan ng mga lokalidad pati na rin ang pagpapakita ng posibilidad ng pagkakaroon ng iba’t-ibang bahagi ng lugar.

Alamin ang mga Lokal na Pagpapahintulot at mga Ipinagbabawal – Upang magkaroon ng maayos na pagnenegosyo ng food trak sa lungsod, dapat kukuha ka muna ng pahintulot sa itatayo mong negosyo na food trak. At dapat mo rin alamin ang mga batas na ipinapatupad sa isang lungsod hinggil sa pagpaparada ng sasakyan sa mataong lugar, magbibigay ideya din ito sa iyo kung saan mo maaaring ipaparada ang iyong food trak. Ang ibang mga kinatawang lokal na namamahala ay pinahihintulutan ang mga food trak na magpaparada sa isang paligid na may tiyak na oras na sinusunod, pagkatapos nito ay maari ng lumipat na naman sa ibang lugar. Sa iyong mga nalaman na mga limitasyon, makakatulong ito sa iyong pag-iisip kung saang lugar ka paparada para maibenta ang iyong mga inihandang pagkain para sa mga mamimili na hindi masyadong nakakagambala.

Sapat na Espasyo na Pagtatrabahuan – Tandaan na dapat mong isaalang-alang na maaring hindi mo magawang pangasiwaan ang iyong food trak ng mag-isa. Kahit na wala kang plano na palawakin ang iyong negosyo dahil nakikita na ito ay kumikita na. Ang mga bumubuo nito ay kinakailangan upang ito ay makakatulong sa iyong pagpili ng mga maaring maging katrabaho mo sa iyong negosyo na food trak. Makakatulong ito sa iyo upang makapili kung gaano kalaki ang trak na iyong kakailanganin. Kung ang iyong set-up ay maaring gumamit sa labas ng kapaligiran, hindi mo na kailangan ng iba pang espasyo para sa iyong trak.

Tags:

You may like

View Compare ()