SHARE

May 17

Commercial Vehicle

Ano ang isang Trak na Pampasahero?

Ito ay isang magaan na trak na may kalakip na kabin at isang bukas na bahagi na pagkargahan sa may likuran, na mas kilala bilang isang ‘pickup trak’, nabibilang para sa isang track na pampasahero. Sa kabuuan ang isang Trak na Pampasahero ay maaaring magamit para sa mga layuning praktikal pati na rin sa mga aspirasyon ng pamumuhay ng mga mamimili. Magsisimula bilang isang sasakyan ng pangangailangan, dinisenyo ang ‘pickup trak na may 2-upuan na kabin at nagsilbi bilang isang pangunahing sasakyan para sa maliliit na negosyante at sa mga pamilyang pangnegosyo. Ang mababang bahagi na pagkakargahan, na may malawak na paglagyan ng kargamento, ay nakakatulong na maging mas madali ang ang transportasyon sa mga maliit hanggang katamtamang mga kalakal.

Ang mga modernong trak na pampasahero o ang tinatawag na ‘pickup trak’ ay may 4-upuan na kabin, kasama ang mga modernong pasilidad, kakahayan at teknolohiyang tampok sa pamamagitan ng panhunahing mga sasakyang pampasahero tulad ng plush leather interiors at GPS navigation systems. Ang buong laki na mga pickup at siksik na mga pickup ay may katangian na mas malakas sa pagpapalipat ng mas mabigat na karga at kinikilala rin na Mga Pickup na Pampasahero dahil nagba-back up din ito bilang mga sasakyang pampamilya.

Tags:

You may like