SHARE

May 21

Commercial Vehicle

Tungkol sa Mga Pickup Trak

Ang mga Pickup trak o pickup ay magaan at katamtamang sasakyan na bukas ang likuran na may isang kabin sa harap para sa tsuper. Pangunahing ginagamit ito para sa negosyante noong 1900’s, karaniwan lang ang disenyo ng mga pickup trak na may saktong kagamitan. Sa taong 1950’s nagsimulang bumili ang mga mamimili para sa pangangailangan sa pamumuhay, kung saan ang mga taggagawa ng mga sasakyan ay nagsimulang magdisenyo ng mga pickup para mas magustuhan ng mga mamimili na may air-condition, bintanang salamin at 3-speed transmission.

Ang mga pickup ngayon, ay dinisenyo na may pareho, ang kapangyarihan sa paggawa pati na rin ang bagong kaginhawaan upang ito ay mapanatili ang pangangalingan ng pagbigay serbisyo sa mga pangunahing sasakyan para sa maraming pang mamimili ng sasakyan. Maliban sa conventional single-cabin, ang mga pickup ngayon ay naglabas na ng double-cabin na may maraming upuan at plush interyor na nagdedepende sa paggawa at ayos ng sasakyan na iyong bibilhin. Ang mas maraming upuan ay nangangahulugan na mas maliit ang espasyo para sa iyong mga kagamitan sa likuran, hindi gaanong isyu ito kung ikaw ay bibili ng pickup o sasakyan para sa pansariling gamit. Maari ka rin pumili kung sa magaan, katamtaman, buong laki, at bigatin na mga pickup/sasakyan. Ang buong laki at bigatin na mga pickup/sasakyan ay nag-aalok din ng 4×4 para sa mas mabuti at maayos na pagganap.

Tags:

You may like