SHARE

May 21

Commercial Vehicle

Mga gabay sa Pagbili ng Pickup Trak

null

Hindi katulad sa pagbili ng regular na sasakyan, ang pagbili ng pickup trak ay nangangailangan ng konsiderasyon sa ilan bahagi bilang kadahilanan para mas may alam sa pagpili ng bibilihin. Narito ang madaliang gabay sa pagbili ng pickup trak na magsasabi sayo ng mga importanteng bagay na ikokonsidera.

Laki ng Trak – Depende sa gamit ng pickup, maaring ito ay para sa negosyo o pampamilya na sasakyan, kailangan mong magpasya kung mamumuhunan ka ba sa maliit, katamtaman, o malaki o bigatin o compact pickup trak. Iilan sa mga pagpili ay nakabase din sa gusto kaysa gamit nito.

Laki ng Kab- Katulad sa pagpapasya ng gamit ng pickup trak, kailangan ring malaman kung gaano kalaki ang kailangang lugar para sa mga karga at mga pasahero nito. Ang mga makabagong mga pickup ay mayroon ng mga tampok na mga gamit katulad sa normal na sasakyan lalo na para sa mahabang byahe ng pamilya, mas pinadali, bilang pang alalay sa mga maliliit na negosyo. Mamili sa dalawang pintuan o apat na pintuan, ang pagsasaayos ay kailangan rin makonsidera lalo na sa iba’t-ibang pickups at bilang ng in-cabin na kwarto.

Wheel Drivetrain- Muli, sa pagsaalang-alang sa parehong pinili at gusto, piliin ang tamang drivetrain na tama sa gamit ng iyong pickup. Ang gulong sa likod ay importante lalo ng kung magdadala ng mga kalakal na mabibigat, pero ang 4 wheel drive ay makakatulong rin kung ang dadaanan mo ay lubak lubak na kalsada. Ang ibang mga 4 wheel-drive na mga pickup ay mayroon ring mga button na maaring gamitin ang mga gulong sa harap kung kinakailangan.

Kaligtasan – Kung bibili ng pickup trak para sa negosyo o pang personal na gamit, kailangan siguruhing masisiyahan ka sa mga pamantayan ng kaligtasan. Karamihan sa mga pickup ay mayroon ng iba’t-ibang nakalagay para sa kaligtasan, tampok rito ang seat-belts, airbags, traction control systems at iba pa.

Tags:

You may like