SHARE

May 21

Commercial Vehicle

Paano pumili ng tamang pickup?

Kung bibili ka ng pickup trak, narito kung paano ka makakapili ng tama.

1 ) Alamin kung paano mo gagamitin ang pickup mo – Alamin kung bakit kailangan mo ang pickup trak. Ito ay makakatulong sayo sa pagpapasya kung kailangan mo ba ang magaan na pickup, katamtamang pickup o ang buong laki na pickup o ang bigating pickup bilang panimula.
2 ) Magpasya kung magkaano ang iyong gagastosin – mula sa pagmamay-ari ng sasakyan hanggang sa pagbili ng pickup trak ay maaring mabigat sa bulsa. Ito ay dahil ang pickup na mga trak ay para sa mabigat na gamitan at marami rin itong magagawa kaysa sa ordinaryong sasakyan. Kaya, kung magpapatakbo ka ng maliit na negosyo o gusto mo lang na parating maghatid at kumuha ng mga kalakal, ang pickup ay isang wais na pagpili.

3 ) Pagpili ng mga detalye- Karamihan sa mga mamimili, ang pinakahinahanap nila ay ang tamang balanse sa lakas at ekonomiya sa gasolina ang isa sa pangunahing batayan sa pagpapasya. Subalit ngayon ang mga taggagawa ay naglalaan nang iba’t-ibang klase ng makina na mapagpipilian, na may mas mabuting kapasidad kaysa sa mga dekada na ang luma ng mga kaukulang bahagi. Pumili ng makina na maaayon sa paggamit sa pagbili ng pickup at maghanap rin ng ibang pagpipilian sa iba’t-ibang taggagawa.

4 ) Pumili ng laki ng sasakyan – Sa huli isipin mo rin kung madalas kang magsasakay ng mga pasahero/kaibigan o pamilya, pagpapasya kung single-cab (dalawang tao ang makakaupo), double-cab na may apat na pintuan pero maliit ang pagitan para sa mga sasakay na pasahero at maliliit na pintuan sa likod, super-crew na may apat na malaking pintuan at malawak na lugar para sa upuan. Meron ring mga compact super-cab na mayroon ring apat na pintuan, pero ang likurang pintuan ay magbubukas lamang kung bubuksan muna ang pintuan sa harap.

5 ) Tingnan ang detalye ng sasakyan at mga pagpipilian – Bigyan din ng konsiderasyon ang pagiging komportable at mga feature na gusto mo sa bago mong pickup trak at gumawa ng lista ng mga ito. Magsimula sa air-conditioning, hanggang sa GPS navigation at sa mga upuan, maraming pagpipilian pagdating sa pagiging komportable sa bibilhing makabagong mga pickup.

Tags:

You may like